in

Alfred Vargars tinupad ang pangako sa kanyang nanay, nakuha na ang Master’s Degree sa UP

Naganap ngayong Linggo ng umaga, July 25, ang virtual graduation ni Alfred Vargas.

 

 

Ito ay para sa kanyang master’s degree sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (NCPAG).

 

 

Maligayang-maligaya si Alfred dahil ang master’s degree ang katuparan ng pangako niya sa kanyang ina.

 

 

Isang magaling na abogada ang namayapang Susana Vargas, ina ni Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas. Anim na taon siyang nakipaglaban sa Big C.

 

 

“Ang wish niya ay maging lawyer akong tulad niya. Pero pinili ko ang maging artista. Ilang araw na hindi niya ako kinibo until we reached a compromise. I took up graduate studies,” kuwento ni Alfred.

 

 

Kung buhay pa ang mga magulang ni Alfred ay tiyak na ipagmamalaki nila ang achievements both as an actor and public servant. Ikinalulungkot ng actor na hindi sila nakapiling ng mapili siya bilang isa sa 2019 Ten Outstanding Young Men and Women of the Philippines. Inialay niya ang prestigious award sa kanyang mga magulang.

 

 

Sa kanyang namang Instagram post ay ibinahagi ni Alfred ang kanyang graduation photo.

 

 

Aniya, “Mommy, natupad ko ang pangako ko sa inyo. I wish you lived to see this promise fulfilled. Maraming salamat sa inspirasyon, sa guidance at sa disiplina. Higit sa lahat, thank you for teaching me to dream, work hard for my dreams, and help others reach their dreams as well”

 

 

Pagpapatuloy ni Alfred, “Nakaka-senti ang pagtatapos at hindi nabawasan ang excitement kahit virtual ang graduation rites. Excited akong magbihis at isuot ang sablay.

 

 

“’Di matanggal ang aking malaking ngiti kahit ang kaharap ko ay laptop at hindi ko katabi ang aking mga kaklase. And in the midst of all the emotions, I can’t help but reflect on the significance of the moment.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)

 

Ara Mina ibinahagi ang ilang bagay na nabago sa kanyang buhay matapos ikasal kay Dave Almarinez

Maternity photoshoot ng aktres na si Sam Pinto nagpa-wow sa maraming netizens