in

Anak nina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado na si Jayda Avanzado engrande ang 18th birthday celebration

Dalaga na ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa na si Jayda Avanzado.

June 1, 2003 nang ipanganak ni Jessa ang unica hija nila ni Dingdong.

At labingwalong taon ang lumipas, isang napakaganda at talentadong dalaga na ngayon si Jayda.

Kamakailan nga ay ibinahagi ng dalaga sa Instagram ang kanya pre-debut photo shoot.

Kung saan makikita ang kanyang angking kagandahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

Kilala na rin ngayon si Jayda sa industriya, sumunod siya sa yapak ng kanyang mga magulang at gumawa ng sariling pangalan.

Kilala siya ngayon bilang Music royalty dahil sa talento niya sa pagkanta na namana niya kina Jessa at Dingdong.

At kamakailan nga lamang, isang engrandeng selebrasyon ang naganap para sa 18th birthday ni Jayda. Ito ay idinaos noong June 28 sa Okada Manila.

Ibinahagi ni Jayda ang ilang litratong kuha sa nasabing selebrasyon.

Kung saan dinaluhan din ito ng ilang malalapit niyang kaibigan gaya nina Robi Domingo, Francine Diaz, Iñigo Pascual at si Bugoy Drilon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

Pinasalamatan din ni Jayda ang lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

Suot ang isang simpleng mini dress ay kitang kita ang kagandahan ng dalaga.

At syempre, napakaganda at elegante din ang design ng venue, pati na rin ang malaking cake para kay Jayda.

Kaya naman maraming netizens ang nakapansin sa taglay na kagandahan nito.

May ilan pa nga nagsabi na napaka-engrande daw ng celebration dahil kilalang mamahalin ang hotel venue.

Hinangaan din ng ilan sina Dingdong at Jessa dahil sa elegant celebration na ito ng debut ni Jayda.

Ellen Adarna naghahanda na para sa kasal nila ni Derek Ramsay, wedding gown niya sinusukat na?

Bridal walk video ni Ara Mina habang pinapakalma ang sarili viral ngayon sa social media