in

Andi Eigenmann muntik ng atakihin sa takot nang makita ang itsura ng anak na si Lilo

Scariest experience kung ilarawan ni Andi Eigenmann ang nakakatuwang pangyayari sa pagitan nila ng anak na si Lilo.

Sa kanyang IG stories kamakailan, ibinahagi ni Andi ang kanyang nakakatakot ngunit nakakatuwang experience. Ito ay nang may marinig umano siya maliit na boses na tinatawag siya mama.

Pag lingon niya sa may bandang hagdanan ng kanilang tahanan. Laking gulat daw niya ng makita ang itsura ng kanyang anak na si Lilo.

Aniya, halos atakihin daw siya sa puso ng mga oras na iyon sa sobrang takot. Pero agad ding napalitan ng sobrang katatawanan.

Ani Andi, “Was busy shooting for something downstairs. And heard a child’s voice softly go ‘mamaaaa, mamaaaa.’ I look back at her and nearly had a heart attack!”

Nang makita niya kasi ang itsura ni Lilo ay pulang pula ang buong mukha nito. Inakala niya na may masamang nangyari sa panganay nila ni Philmar Alipayo.

Malamang ay lahat ng ina ay talagang kakabahan pag nakitang ganun ang itsura ng kanilang anak. Mother’s instinct kung baga.

Sa huli ay nalaman niyang pinaglaruan lang pala ni Lilo ang kanyang lipstick at ipinahid sa buong mukha nito.

Madaming netizens naman ang naaliw sa kwentong ito ni Andi. Tuwang tuwa din sila sa kabibohan ni Lilo na sobrang cute namang talaga.

Samantala, makalipas naman ang ilang oras ay kasama na ni Andi si Lilo sa kanyang workout routine.

Madam Inutz gustong maka-bed scene si Piolo Pascual!

Ivana Alawi ibinahagi na pagiging waitress ang kauna-unahan niyang trabaho noon sa Bahrain