in

Andi Eigenmann proud na proud sa anak na si Ellie nang ipakita nito ang kanyang galing sa surfing

Ipinasilip ni Andi Eigenmann ang galing ng anak na si Ellie sa surfing.

Sa Instagram noong Linggo ay makikita sa account ni Ellie ang video habang pinapamalas niya ang husay niya sa surfing.

Makikita na smooth na smooth na nalampasan ni Ellie ang mga alon habang sakay siya ng surfing board.

Ito ang unang pagkakataon na nag-surfing si Ellie mula ng bumalik siya sa Siargao noong Mayo, sa tulong na din ng professional surfer na si Christian Araquil.

Proud na proud naman si Andi at ibinahagi din niya ang video ng kanyang panganay sa kanyang Instagram account.

Saad ni Andi, “She’s back on the surfboard!Took a while for her since we’ve been back a couple months now, but better late than never.hehe she’s been going as much as she could, rain or shine!”

Sinabi din niya na susuportahan niya ang kanyang mga anak sa mga nais nilang gawin

Lalo na kung makakapagpasaya ito sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Masayang masaya si Andi sa bawat achievement ng kanyang mga anak at masilayan ang mga ito na parehas lang ang hilig pagdating sa mga beach sport activities tulad niya at nagbibigay ito sa kanya ng labis na kaligayahan.

“But I must admit, it also makes me happy that a couple of these are the same things that make me happy too!” saad pa ni Andi.

Proud dad din si Jake Ejercito at nirepost niya sa kanyang IG story ang video ng anak.

At gayundin si Philmara Alipayo na tuwang tuwa na sumusunod din sa Yapak niya si Ellie.

Coco Martin at Julia Montes may pagtatambalan nga bang proyekto kasama si JM De Guzman?

Anne Curtis, most followed celebrity pa rin, umabot na sa 17 million ang followers sa Instagram