in

Angel Locsin may nakakatuwang reaksyon sa new hairstyle ni Marian Rivera

Maraming celebrity ang napa wow sa bagong hair style ng aktres na si Marian Rivera.

Nakaraang Linggo, July 4, ibinahagi ni Marian Rivera sa kanyang Instagram account ang kanyang new look.

“Switching it up a little with this new ‘do,” saad ni Maria sa kanyang caption.

Kalakip nito ang napakaganda niyang litrato kung saan makikita na bagay na bagay sa kanya ang may bangs.

Marami ang nagsabi na kamukhang kamukha niya ang kanyang panganay na anak na si Zia.

Dahil parehas na silang mag-ina na may bangs.

Marami naman sa mga celebrities ang agad napa-react sa litratong ipinost ni Marian.

Ang isa na nga dito ay si Angel Locsin na nagsabing “cutie” daw ang new hairdo ng Kapuso Actress.

Pati na rin ang batikan na aktres na si Jackielou Blanco ay nagustuhan ito, “love it ganda.”

Tinawag naman ni Mariel Padilla si Marian ng “Queen”

Sina Sef Cadayona at Niña Corpuz naman ay nagiwan ng heart emojis sa comment section.

Samantala, di naman talaga maikakaila na isa si Marian Rivera sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz.

 

Kaya naman nabighani sa kanyan ang kanyang mister na si Dingdong Dantes.

 

Ang kanilang pagmamahalan naman ay nagresulta ng maganda at gwapong supling.

Gandang lahi talaga di ba?

Videos at Photos ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson sa Pampanga usap-usapan ngayon sa social media

Coco Martin at Julia Montes may pagtatambalan nga bang proyekto kasama si JM De Guzman?