in

Anne Curtis, most followed celebrity pa rin, umabot na sa 17 million ang followers sa Instagram

Over 17 Million na ang followers ng aktres na si Anne Curtis sa Instagram.

Nanatiling top instagram personality sa bansa si Anne Curtis.

Ito’y matapos umabot sa 17 na milyon ang kaniyang followers sa Instagram (IG).

Kaugnay nito, nagpost si Anne sa Instagram ng kaniyang regal looking photo na may caption na “‘I waited till I saw the sun…’ Sending 17 million kisses out to the Instagram world”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Itinuturing siya na “most popular Filipino celebrity” sa nasabing social media site at isa sa “most followed Filipino stars.

Sa kabuuang 17,012,518 followers, si Anne pa rin ang top Filipino personality sa Instagram, kasunod sina Liza Soberano (15.9 milyon), Kathryn Bernardo (15.1 milyon), Pia Wurtzbach (12.4 milyon), at Catriona Gray (12.1 milyon).

Marso ngayong taon lang nang i-celebrate ni Anne ang isang social media milestone.

Matapos umabot sa 14 milyon ang kanyang followers sa Twitter.

 

Winner na winner naman talaga si Anne sa rami ng followers niya, at sa pagiging top 1 most followed celebrity for years now.

Noong nakaraang taon, napabilang si Anne sa mga Filipino celebrities na pumasok sa “Asia’s 100 Digital Stars” list ng Forbes Asia.

Kinabibilangan ito ng mga singer, banda, film, at television stars

Mula sa Asia-Pacific region na itinuturing na trailblazer, most influential, makapangyarihan ang social media presence

At milyun-milyong ang bilang ng mga tagasubaybay ang ilan sa basehan na ginamit ng Forbes Asia.

Si Anne Curtis ay inilarawan bilang “the Philippines’ most popular Instagram celebrity.

Binanggit din ang kanyang endorsement deals sa ilang malalaking kumpanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Andi Eigenmann proud na proud sa anak na si Ellie nang ipakita nito ang kanyang galing sa surfing

Jimmy Santos umalma sa balitang naghihirap na siya at nagtitinda na lang ngayon sa palengke