in

Ara Mina ibinahagi ang ilang bagay na nabago sa kanyang buhay matapos ikasal kay Dave Almarinez

Makatapos ang engrandeng kasalan, ibinahagi ni Ara Mina ang mga pagbabago sa kanyang buhay.

 

 

Answered prayer ang kasal ni Ara Mina kay Dave Almarinez. Sinabi naman niya noon sa nakaraang interviews niya na ang wish lang naman niya ay may dumating na lalaking makakasama niya sa buhay, ‘yung ma-experience niya ang buhay may-asawa.

 

 

Dumating nga si Dave kahit matindi pa ang kontrobersiyang sinuong ng kanilang relasyon.

Pati ang dream wedding na ipinagdasal din niya ay ibinigay sa kanya.

 

 

Sa kanyang panayam naman sa PUSH, ibinahagi ni Ara ang mga plano nila ngayon ng kanyang asawa.

 

 

Bahagi daw ng kanilang unang plano ay ang magkaroon na agad ng anak.

“Magha-honeymoon muna kami. Medyo mahaba ang break ko sa Ang Probinsyano. We’ll try to have a baby this year,” excited niyang pahayag.

 

 

“Basta kung ano… si Lord na ang bahala diyan, kita mo in God’s perfect time ibibigay naman Niya yon. Kasi sabi ko nga wala akong hiniling na hindi ibinibigay ni Lord, maghihintay ka lang.

 

 

“So hinihiling ko kasi magkaroon kami ng isang anak. Ako gusto ko kong magka-baby boy, gusto rin naman niyang magka-baby boy din,” sabi pa ni Ara.

 

 

Makatapos umano ng honeymoon ay magbabalik trabaho na sila ni Dave.

Si Ara sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at sa kanyang mga businesses at si Dave naman bilang presidente at CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

 

 

Samantala, kahit kasal na raw sila ay hindi na mababago ang kanilang term of endearment. “Bebe” pa rin daw nila tatawagin ang isa’t isa.

 

Ang isa naman sa nabago sa kanyang buhay ay ang pagiging lehitimong residente na ng San Pedro, Laguna

JM de Guzman at Crisha Uy may namumuong pagtitinginan na nga ba? Tiktok video nila viral sa social media

Alfred Vargars tinupad ang pangako sa kanyang nanay, nakuha na ang Master’s Degree sa UP