in

Bea Alonzo gandang ganda kay Dominic Roque ng gawin niyang babae ang nobyo gamit ang trending face changer app

Aliw na aliw ang Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kinalabasang itsura ng kanyang nobyong si Dominic Roque.

Sumali na rin si Bea sa trending na face changer app. Kung saan ipinapalit ang mukha ng kung sino sa mukha ni Andrea Brillantes habang nagsasayaw suot ang makulay na damit.

Ngunit hindi mukha ni Bea ang kanyang inilagay sa face changer app. Kundi ang mukha ng kanyang nobyong si Dominic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Una niyang ginawaan ay ang kanyang kaibigan. At makatapos ay ikunmpara ng aktres ang mukha ni Dom at sinabing “Pero mas maganda to!”

Na kitang kita na napakaganda nga ni Dom kung sakaling naging babae ito at gumigiling pa.

Sa IG Story ito ipinost ni Bea at ni-repost naman din ito ni Dom at nilagyan pa ng caption na “Chix kaba?”

Tuwang tuwa naman ang kanilang mga fans kaya ipinost din nila ito sa Bea Dom fan page. At pinagkumpara pa ang itsura ng magkasintahan.

Saad sa caption ng post, “Choose your dancer, Dahil couple goals namen kayo.. ayan, sabay pa din!! We love you both!!”

At dahil dito marami ang nagsabi na magkamukha talaga ang celebrity couple. Pero mas marami ang nagsabi na mas maganda umano si Dom kay Bea.

Kamakailan lang din ay isa din si Paulo Avelino ang pinagkatuwaan ng kanyang mga fans. At napakaganda din ng resulta.

Ruby Rodriguez at Ice Seguerra reunited sa America, masaya sa muli nilang pagkikita

Neil Arce may tribute para sa misis , ipinatattoo si Angel Locsin sa kanyang dibdib