in

Bea Alonzo pinakilig ang fans nang ibahagi ang mga sweet photos nila ni Dominic Roque

Walang pasubaling inilantad na ni Bea Alonzo ang pag-iibigan nila ni Dominic Roque na nagbigay kilig sa kanilang mga fans.

Kahapon August 4, ilang litrato sa mga masayang bonding nila ni Dom sa Los Angeles ang ibinahagi ni Bea.

Mas mukhang open na sa publiko ang dalawa hindi na puro pahapyaw lamang ang larawan na kanilang ibinabahagi.

Ngayong Miyerkules, Agosto 4, ibinahagi ni Bea ang ilang litratong kuha sa camping experience nila ni Dominic sa Yosemite National Park.

Isa rito ay magkahawak-kamay sila ni Dominic habang tanaw nila ang majestic glacier point sa Yosemite.

Kasama rin sa post niya ang isang solo picture ni Dominic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Halatang masaya si Bea sa piling ni Dominic. Noong August 1 ay ibinahagi ng aktres ang litrato kung saan mahigpit ang yakap niya sa binata.

Kuha naman iyon sa tabi ng airstream na tinuluyan nila habang naroon sa Yosemite.

Caption ni Bea gamit ang quote ng naturalist na si John Miur, “And into the forest I go, to lose my mind and find my soul.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Sa mga caption ng latest IG posts ni Bea, inihayag nitong talagang nag-enjoy siya sa kanyang U.S. vacation, lalo na sa una niyang karanasan na mag-camping.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Sa kanyang latest post naman ay mas lalong kinilig ang BeaDom fandom. Dahil sa mga larawan na nakahawak pa si Dominic sa bewang ng aktres.

Maikling caption ni Bea dito, Into the woods”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Ryan Agoncillo naaliw sa pagmomotor ng anak nilang bunso ni Judy Ann Santos na si Luna

Newborn baby boy nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa may bonding moment agad sa kanyang lola