in

Bridal walk video ni Ara Mina habang pinapakalma ang sarili viral ngayon sa social media

Video ng bridal walk aktres na si Ara Mina kinagigiliwan ngayon ng mga netizens.

Sa edad na 41, ay iniwanan na nga ni Ara Mina ang kanyang single life.

Nang ikasal siya kay Dave Almarinez noong June 30 na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel.

 

Saad pa nga ng aktres ay katuparan daw ito ng kanyang mga pangarap. At isa sa mga dasal niya na magkaroon ng katuwang sa buhay.

Aniya, sa tagal niyang naghintay ng kanyang “The One” ay inakala nitong forever single na siya.

Lalo pa’t nauna raw ikinasal ang younger sisters niyang sina Heidi Gatmaytan at Cristine Reyes.

Ayon pa kay Ara, dumating sa kanyang buhay si Dave nang hindi niya inaasahan.

Noong November 2020 pormal na inamin ni Ara na exclusively dating na sila ni Dave.

Dalawang taon na silang magkakilala noong panahong iyon.

Noon namang January 12, 2021 nag-propose si Dave kay Ara sa San Pedro, Laguna, na hometown ni Dave.

At tila nga ang kanilang kasal ay ang naging wedding of the year dahil naging mainit na usapin ito online.

Star-studded kasi ang naganap na kasalan at puro mga kilalang celebrities at politicians ang kanilang principal sponsors.

Nagmukhang prinsesa din si Ara sa kanyang napakagandang wedding gown na gawa ni Leo Almodal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Preview.ph (@previewph)

Samantala, isang video din ang viral ngayon online.

Kinagiliwan kasi ng mga netizens ang bridal walk ni Ara at ang tila pagpapakalma nito sa kanyang sarili habang naglalakad.

@ianjames_19Congratulations Mr. and Mrs. Almarinez💍✨ Ara Mina and Dave Wedding ❤️ ##araminaanddavewedding ##mrandmrsalmarinez ##fyp ##viral ##trend♬ Taylor Songs Mashup – .lastkisswiftie/alisonswifts

Talaga nga namang isang katuparan ang makasal ng engrande kasama ang taong iyong minamahal.

Anak nina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado na si Jayda Avanzado engrande ang 18th birthday celebration

TikTok dance ni Jaclyn Jose kinagiliwan ng mga netizens, Andi Eigenmann tinawag na bagets ang ina