in

Chad Kinis proud na ipinaalam sa publiko na isa na siyang ganap na tatay!

Proud tatay na ang komedyante at vlogger na si Chad Kinis.

Ito ang masayang ibinahagi ni Chad sa kanyang vlog sa Youtube. Kung saan ipinakilala niya sa kanyang fans ang newest member ng kanilang pamilya.

Mula Manila, bumiyahe pa si Chad papuntang Lipa, Batangas kung saan doon isinilang ang kanilang healthy baby girl. Habang nagda-drive makikita ang labis na excitement ni Chad na makita ang kanilang baby.

Habang na sa biyahe, ibinahagi ng vlogger na blessing sa kanila si baby Rica Lorice na sinunod sa pangalan ng kanilang mga magulang na Ricardo at Lolita.

Nilinaw naman niya sa manonood na sila ay nakapag RT-PCR bago nakapasok sa ospital. Ang kanilang baby na si Rica Lorice ay isinilang ng kapatid ni Chad na si Laarnie.

Para kay Chad, regalo daw ito ng kanilang yuma0ng ina na namaalam ng November 14. Ipinanganak naman si baby Rica Lorice noong November 15.

Pagdating sa ospital kung saan isinilang ang kanyang tinuturing na anak, kitang kita ang excitement ng komedyante.

Lalo pang bumuhos ang tears of joy ni Chad nang mabuhat niya si baby Lorice sa unang pagkakataon.

Ibinahagi ni Chad na siya na din ang magiging ama ni baby Rica Lorice dahil tutulungan niya ang kanyang ate sa pagpapalaki dito.

Naikwento ng kanyang ate Laarnie na nahihiya pa umano siya noon na sabihin kay Chad ang kanyang pagbubuntis. Ngunit dahil likas ng mapagmalasakit ang komedyante, hindi niya talaga hinayaang mamroblema ang kapatid at nangakong magiging katuwang sa pagpapalaki kay Baby Lorice.

Pokwang hindi napigilang maluha sa kanyang IG Live nang maalala ang kanyang ina

Para sa kalusugan ng kapatid na si Mona, Ivana Alawi handang ubusin ang kung anong meron siya