in

Chynna Ortaleza aminadong hindi pa siya sanay sa buhay probinsya, nag-a-adjust pa sa bago nilang nilipatan

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza ang kanyang experience ngayon sa buhay probinsya.

Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ni Chynna na nakalipat na sila sa mas tahimik na kapaligiran.

Malayo sa ingay at polusyon ng kamaynilaan ay pinili ni Chynna at ng asawang si Kean na manirahan sa probinsya.

Aniya matagal na niyang pangarap na magkaroon ng malaking bakuran at ito nga ay nakamit niya sa bago nilang tirahan.

Samantala, sa kanyang latest post sa Instagram, ibinahagi naman ni Chynna na nag-a-adjust pa siya.

Sa simpleng pamumuhay nila ngayon sa probinsya, ani Chynna, “The City Girl is trying to adjust to provincial life.”

“Nasa stage pa ako ng pag adjust talaga guys. Ang naituro sa’kin dito sa una naming gabi, matuto mag hintay. Hindi lahat instant.”

Ibinahagi din niya ang ilang bagay na kanyang natutunan ngayong sa bagong environment ng kanyang pamilya.

“Mag igib at magtipid ng tubig… at masaya pala ang puti na kapaligiran pero sa OC na tulad ko, ibang usapan dahil may balanse ng panic kapag may dumi. At talagang sa ganito daster is key.

“Masasanay din ako. Pero masaya kasi may hangin at liwanag na ang tagal kong inasam.”

“Tapos ang dami din namin kasamang insekto dito. Baliw ako sa kanila!”

Marami naman sa kaibigan ni Chynna sa industriya ang nagbigay ng reaksyon sa kanyang post.

Saad nga ni Kylie Padilla, “Your home looks so peaceful!”

May ilan din sa kanyang followers ang nagsabing nakaka-relate sila sa aktres.

Dahil anila napagdaanan din nila ang adjustment stage ng biglaan ding magdesisyong manirahan sa probinsya.

Sunshine Garcia at Alex Castro masayang ibinahagi na paparating na ang kanilang second baby

Reaksyon ni Jodi sa sweet photos ng ex-husband niyang si Pampi Lacson at Iwa Moto kinagiliwan ng netizens