in

Coco Martin at Julia Montes may pagtatambalan nga bang proyekto kasama si JM De Guzman?

Mukhang magsasama ng muli sina Coco Martin at Julia Montes sa isang proyekto.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang rumoured couple na sina Coco Martin at Julia Montes.

Ito ay nang mamataan silang magkasama sa mall sa Greenhills.

Obvious na ayaw magpakilala ang dalawa, lalo na si Julia dahil sa faceshield na suot, natakpan ang buong mukha nito.

Hindi rin naman halos makikilala si Coco kung hindi lalapitan dahil malaki ang facemask nito, halos matakpan na rin ang buong mukha.

Ngunit sa Facebook page naman ng nasabing equipment store ay uploaded ang kanilang litrato at tinukoy sila doon.

Bago pa man ito ay spotted ding magkasama ang rumoured couple sa Boracay.

Makatapos naman nun ay inamin ni Julia sa panayam sa kanya ni G3 San Diego na siya ay inlove ngayon.

Ngunit hindi naman pinangalanan ng aktres kung sino ang kanyang minamahal.

Pero sa tagal na niyang nali-link kay Coco ay sigurado ang madla na ang aktor ang tinutukoy ni Julia.

Kahit hindi man umamin ang dalawa sa kanilang tunay na relasyon ay hindi rin naman nila itinatanggi ito.

Kaya naman natutuwa ang kanilang mga fans na unti unti ay nagiging open na ang dalawa sa publiko.

At kamakailan nga lamang, muli silang nakitang magkasama, at tila may gagawin silang proyekto.

Viral kasi ang larawan nina Coco at Julia kasama ang aktor na si JM De Guzman at si Direk Erik Matti.

Ibinahagi din ni JM ang mga larawan na sila ay magkakasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)

Ilan naman sa mga netizens ang nagsabi na kaya daw pala madalas makita in public ang dalawa ay dahil dito.

For publicity lang daw ata ang ginagawa ng dalawa.

Angel Locsin may nakakatuwang reaksyon sa new hairstyle ni Marian Rivera

Andi Eigenmann proud na proud sa anak na si Ellie nang ipakita nito ang kanyang galing sa surfing