in

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo binisita ang loteng pagtatayuan diumano ng kanilang future home

Mukhang kasal na lang talaga ang kulang para sa Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kamakailan lang sa post ng ina ni Kathryn na si Mommy Min Bernardo, nagbahagi siya ng isang video. Kung saan makikita sina Kath at Daniel na nakatayo sa isang malawak na lote.

“Ang pagbisita sa future (house icon),” caption ni Mommy Min.

Sa umpisa ng short video ay maririnig ang boses ni Mommy Min habang kinukunan ang palibot ng lupa na binili nila.

“Dahil d’yan kay Ton Lao, nakabili kami ng lupa dito sa kakulitan niya,” pagri-reveal ni Mommy Min.

Sinegundahan naman ni Kathryn ang sinabi ng ina. “Bili na. Bili na, mga suki,” natatawang sabi ni Kathryn sabay buhat sa kanya ni Daniel.

Hindi naman nasabi ni Mommy Min na para sa magkasintahang sina Daniel at Katrhyn ang bahay ngunit makikita sa mukha ng dalawa kung gaano sila kasaya.

Marami naman sa mga Kathniel fans ang naniniwala na ang nasabing lote marahil ang pagpapatayuan ng future home ng KathNiel.

Kinilig din ang napakarami nilang tag-hanga at sinabing kasal na lang talaga ang kulang sa dalawa.

Melai Cantiveros isa pala sa mga tumulong noon kay Francine Diaz sa pagbabayad ng mga bills

Itsura ni Regine Velasquez ng walang make-up proud na ipinakita ng asawa niyang si Ogie Alcasid