in

Dominic Roque nakikitang si Bea Alonzo na ang kanyang makakasama sa future

Mukhang patungo na din sa kasalan ang relasyon nina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Malalapit na magkakaibigan ang mag-sweetheart na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia at ang actor na si Dominic Roque.

Sa Spotify podcast nina Khalil at Gabbi na may titulong “Figure It Out,” unang nagpa-unlak ng interview si Dominic. Simula nang isa-publiko na nila ang relasyon nila ni Bea Alonzo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bea🤍Dom (@beadom.fanpage)

Dito ay sinabi ni Dominic na nakikita niya na ang kanyang hinaharap kasama ang aktres.

“I can see our future together. Siguro ito rin, nasa tamang edad din ako to be like this,” saad ni Dom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Nilinaw naman ni Dominic na hindi naman daw talaga nila sinikreto ni Bea ang relasyon nila at hindi rin daw nila plinano na magiging open na sila habang nasa U.S. sila. Naging natural lang daw ang daloy ng mga pangyayari at natuwa raw silang dalawa sa pag-embrace sa kanila ng publiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Kaugnay nito, una nang sinabi ni Bea sa isang panayaman na hindi pa siya handang magpatali kay Dom.

“Naniniwala ako na kanya-kanya tayong time. Para sa ’kin, it’s too early to tell kung kailan. Feeling ko I want to take it one day at a time,” wika niya sa panayam ng 24 Oras.

“I’m still enjoying this stage,” dagdag pa nya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Isang malaking revelation na naging parte pala ang couple na si Gabbi at Khalil sa pag-uumpisa ng pagmamahalan nila ni Bea.

Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey pinainit ang social media sa kanilang mga litrato sa IG!

TIGNAN: Family Bonding ni Ellen Adarna at Derek Ramsay Kasama si Elias Modesto