in

Enrique Gil naniniwalang malaki ang potensyal ni Liza Soberano na manalo sa Miss Universe

 

Todo suporta si Enrique Gil sa kasintahang si Liza Soberano sakaling sumali ito sa Miss Universe.

 

 

Kasama sina Enrique Gil at Liza Soberano sa mga hurado sa nakaraang Binibining Pilipinas 2021.

Nitong Linggo, July 11, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum. Sinamahan ang dalawa ng kanilang manager na si Ogie Diaz.

 

 

For the nth time ay muling tinanong ni Ogie si Liza kung may planong sumali sa beauty pageant lalo’t pangarap ng ama nito na maging beauty queen ang anak.

 

 

Natawa lamang ang dalaga at sinabing wala talaga siyang balak sumali sa mga beauty pageants.

 

 

Ngunit kung ang nobyo nitong si Enrique ang tatanungin ay nais din niyang sumali ang aktres sa nasabing patimpalak.

 

 

Habang nasa entablado nga raw ang mga contestants ay feeling niya, naroon din si Liza.

“Nakikita ko nga (Liza), ‘anong number mo nga ulit Baby? Number ano ka ba diyan?” tanong ni Enrique sa aktres.

Dagdag pa ng binata, “Sabi ko sa kanya (Liza), ikaw talaga ang Binibini ko.”

 

 

Kaso ayaw talagang sumali ng aktres sa nasabing beauty contest. “Ayaw nga, eh,” tugon ng boyfriend ng dalaga. “Okay na ‘yun sige, baka Miss Universe (sasalihan Binibining Pilipinas Universe). Baka Miss Universe next year. Hindi joke lang!”

 

 

“Ano ba B (tawag niya sa dalaga)? Miss Universe? Feeling ko mananalo ‘yan pag sumali!  Naku, wala ng competition, wala na,” tumatawang sabi ni Enrique.

 

 

Sundot din ni Ogie, hindi talaga feel ni Liza ang mga beauty contests dahil kung sadyang gusto nito, eh, di sana, noon pa.

 

 

“Hindi talaga siya sasali, wala sa kamalayan niya, natutuwa si Liza na siya’y itinutulak (sumali) pero hindi nga para sa kanya ‘yun.”

 

 

Panoorin dito ang kanilang video:

Neri Naig-Miranda ipinasilip ang napakalawak na loteng pagtatayuan ng “Miranda’s Farm House” soon

Wil Dasovich naging champion sa international vlog festival sa Malta, maguuwi ng $30,000