in ,

Isang amang namaalam,malaking halaga ng pera ang iniwan na hindi inaasahan ng kanyang pamilya

“Hanggang sa huli ‘tay kami pa rin iniisip mo.”

Ito ang namutawi ng netizen na si Dy Dela Paz sa kanyang viral Facebook post kamakailan.

Sa kwento ni Dela Paz, kasalukuyan silang namomoblema. Kung saan kukuha ng perang pampaIibing sa kanilang ama nang bigla nilang mapag-alaman na mayroon pala itong naitagong napakalaking pera.

Nakita raw nila ito nang mahanap  ng kanilang ina ang bag na laging bitbit ng kanilang ama noong ito ay nabubu’ha’y pa.

Palagi umanong bitbit ng kanyang ama ang bag nito. Kahit saan siya magpunta at ang dahilan pala nito ay nag-iipon siya ng pera para sa kanyang pamilya.

Ang perang naipon ng ama ay umabot sa halagang P205,000. Natagpuan nila ang malaking halaga ng pera na nakabalot sa papel at nakalagay sa plastic ng hamburger.

Ngayon nila naunawaan kung bakit ayaw nitong ipagalaw at ipalaba ang naturang bag sa kaniyang mismong asawa.

Naalala din daw niya ang lagi nitong sinasabi na wag na mag-withdraw sa banko ang kanilang ina dahil may pera naman siya.

Marami naman sa mga netizens ang naantig sa kadakilaan ng ama ni Dela Paz at marami rin ang nakaalala sa pagmamahal ng kanilang mga magulang. Napakasinop daw diumano ng kanilang ama at hindi sila binigyan ng problema hanggang sa mawala ito.

Julia Barretto walang kaarte-arteng nagkamay sa mukbang vlog ng kaibigan nila ni Gerald Anderson

Kristel Fulgar nag construction worker sa sariling pinapatayong bahay