in

Itsura ni Regine Velasquez ng walang make-up proud na ipinakita ng asawa niyang si Ogie Alcasid

Proud hubby ang peg ni Ogie Alcasid sa no makeup look ng kanyang misis na si Regine Velasquez.

Sa kanyang vlog, ibinida ni Ogie ang itsura ni Regine. Sa kanyang video, makikita ang itsura ng pinakamamahal niyang asawa. Na fresh from the bed.

Sa unang bahagi ng video, makikitang bahagya pang nakanganga ang singer. Habang natutulog hanggang sa nagising ito.

Sa pagkakagising ni Regine ay game naman itong nakipag chikahan sa asawang si Ogie kahit pa naka- live ito, hindi nga nahihiya si Regine na makipagkulitan sa viewers kahit pa wala pa itong suot na make-up na madalang nating makita sa TV.

Kahit na wala pang ayos at make up, kitang kita parin ang natural na ganda ni Ms. Regine na talaga namang hinangaan ng marami.

Gayun narin ang labis na pagmamahal ng kanyang asawa na si Ogie na laging nakasuporta sa kanya.

Marami namang netizens ang kinagiliwan ang kilay ng Asia’s Songbird. Ikinumpara pa nga nila ito kay Mona Lisa.

Natawa na lang ang dalawa sa reaksyon ng mga viewers sa kilay ni Regine.

Marami rin ang nakapansin na lutang pa rin naman ang natural na kagandahan ni Regine kahit wala pa itong make-up.

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo binisita ang loteng pagtatayuan diumano ng kanilang future home

Sharon Cuneta gusto ng ampunin si Julia Montes dahil mas lalo itong napamahal sa kanya