in

Ivana Alawi ibinahagi na pagiging waitress ang kauna-unahan niyang trabaho noon sa Bahrain

Ibinahagi ni Ivana Alawi sa kanyang milyon milyong fans ang kauna-unahan niyang trabaho bago pa man siya naging artista.

Ayon sa sikat na vlogger, nagtatrabaho siya noon bilang waitress sa kanilang family restaurant sa Bahrain.

Ibinunyag ito ng actress sa vlog ng kanyang kapatid na si Hash Alawi na kung saan tinanong siya kung ano ang kanyang unang naging trabaho.

“Waiter / cleaning table in resto,” sagot ni Ivana

Sinabi ni Ivana na naglilinis siya noon ng mga lamesa sa isang restaurant sa Bahrain. Na pag-aari ng namayapa niyang Moroccan father na si Samier Al-Alawi.

“Pareho kaming waiter… waitress ako. Ako tagapunas dun. Kasi dati sa Bahrain meron kaming restaurant tapos ako ‘yung tagapunas. Si dad kasi may-ari nung restaurant so ginagawa niya kaming mga waiter, waitress para kumita kami ng pera parang ganun”

“Tapos nahihiya akong kunin ‘yung mga order nung mga tao kasi parang sosyal,” pagbabahagi ng dalaga.

Masaya ring naikwento ni Hash na tuwang-tuwa pa silang magkapatid noon habang ginagawa ang kanilang mga trabaho at nag-uunahan pa silang magpunas ng mga lamesa.

Ani naman ni Ivana ay hindi niya ikinakahiya ang kanyang first job. Naging masaya umano siya ng mga panahon na iyon.

Lalo na at nakakatulong siya sa kanilang family business kahit sa murang edad pa lamang niya.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

Andi Eigenmann muntik ng atakihin sa takot nang makita ang itsura ng anak na si Lilo

Melai Cantiveros isa pala sa mga tumulong noon kay Francine Diaz sa pagbabayad ng mga bills