in

Ivana Alawi may cameo shot sa pinakabagong music video ni Bella Poarch

Trending ngayon ang music video ng Pinay Tiktoker na si Bella Poarch.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bella Poarch (@bellapoarch)

Pagka-upload pa lang sa Youtube ng ‘Inferno’ music video ay humakot agad ito ng halos kalahating milyon na views.

At isang araw pa lamang ang nakaliipas ay nasa number 1 top trending na sa YouTube ang nasabing music video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bella Poarch (@bellapoarch)

Lalo pa ngang natuwa ang mga Pinoy nang biglang makita si Ivana Alawi sa naturang music video. Umabot na ito sa halos 6.5 million views.

Nakumpirma naman ito sa credits ng Music video, at maging si Ivana ay nag-tweet tungkol sa kanyang cameo sa kanta ni Bella.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi din ni Ivana ang litrato kung saan suot niya ang black dress na suot niya din sa nasabing MV.

Saad ni Ivana sa kanyang caption, “Don’t blink Did you spot someone familiar in @bellapoarch new MV?  Congrats babe! So glad to have been able to join you, even for a quick glance.. Make sure to watch her newest MV Inferno! Cheers!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Bukod kay Ivana, ilan pang sikat na Pinoy Youtuber ang umeksena sa MV, kasama na rito si Bretman Rock at Valkyrae.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bella Poarch (@bellapoarch)

Ito ang ikalawang single ni Bella, na unang nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na Tiktok videos.

Narito ang music video ni Bella Poarch:

Celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli nagbigay ng update tungkol sa pinapagawa nilang bahay

TIGNAN: Phoemela Baranda Proud Na Ibinahagi Ang Baptism Photos Ng Kanyang Bunsong Anak