in

Ivana Alawi nakaranas din noon ng hirap kaya ngayon ay tumutulong na din sa mga nangangailangan

Ivana Alawi sanay din sa hirap kaya bukas palad na tumutulong na din ngayon sa mga nangangailangan.

Malayo na talaga ang narating ng YouTuber at s3xy actress na si Ivana Alawi. Ang kanyang mga nakakatuwang vlog ay nagbigay daan sa kanyang kasikatan.

Kung saan ipinakita niya hindi lamang ang kanyang kagandahan at kaseksihan. Kundi pati na rin ang kanyang busilak na puso pagdating sa mga taong nangangailangan.

Dahil sa kanyang kabaitan sa pagtulong sa ating mga kababayan na mahirap at nangangailangan, si Ivana ay hinahangaan at nagsisilbing inspirasyon sa marami ngayon.

Kamakailang nga lamang, marami ang nagulat sa naging rebelasyon ng sikat na vlogger at aktres. Patungkol sa naging paghihikahos nila noon. Sa naging virtual interview sa kaniya ng programang “Magandang Buhay” kung saan nakausap niya ang host na si Jolina Magdangal ay nagkwento siya kung paano sila naghirap noon.

Ayon kay Ivana ay nagsimula ang paghihirap nila nang bumalik sila sa Pilipinas. Talagang hirap na hirap sila noon nang umalis sila sa poder ng kaniyang ama na mayroong kakayanan sa buhay.

Naranasan diumano nila ang mag-ulam ng toyo sa kanin para lamang malamnan ang kumakalam nilang sikmura. Tumatak sa puso at isip ni Ivana ang mga pangyayaring iyon.

At kung hindi dahil sa pangungutang at pagtitiyaga ng kaniyang ina para sa kanilang pamilya ay hindi nila matatamasa ang buhay na mayroon sila ngayon.

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin si Ivana dahil naranasan niya ang lahat ng paghihirap sa buhay dati. Ito raw kasi ang nagbibigay daan sa kanya upang maging bukas ang kanyang pag-iisip.

Para makita ang sitwasyon ng ibang tao.

Ayon pa kay Ivana, ito ang nagtulak sa kanya upang tulungan ang mga nangangailangan dahil alam niya ang pakiramdam ng walang-wala sa buhay.

Donita Rose proud chef na ngayon sa isang supermarket chain sa America!

Piolo Pascual nagbigay na ng pahayag ukol sa viral photos nila ni Shaina Magdayao na magkasama