in

Jimmy Santos umalma sa balitang naghihirap na siya at nagtitinda na lang ngayon sa palengke

 

Fake News ang kumakalat na balitang naghihirap na diumano ang komedyanteng si Jimmy Santos.

 

 

Sa ilang kumakalat na balita sa social media ay pinapalabas kasi na nagtitinda na lamang ng karne ang komedyante.

Sa isang palengke sa Pampanga dahil sa nawalan ito ng trabaho sa Eat Bulaga.

 

 

Ayon pa sa naglabasang balita sa socmed, dahil dito kaya binigyan daw ng TV host-comedian na si Willie Revillame ng sariling sasakyan at fruit stand si Jimmy.

Binanggit din sa ilang mga vlogs ang pangalan ni Bossing Vic Sotto

 

 

Na niregaluhan naman daw ng bahay at sariling sasakyan

Ang dating kasamahan sa “Eat Bulaga” para makatulong sa kabuhayan nito.

 

 

Kumpirmadong walang katotohanan ang balitang pinaniwalaan ng ilan dahil itinanggi ni Willie ang isyu.

Sa isang panayam, dinenay ni Willie na may ipinaabot siyang tulong kay Jimmy, at tahasan din niyang sinabi na fake news ito dahil hindi pa naman daw niya nakakausap ang comedian.

 

 

Sabi ng TV host, “Actually, it’s not true. Fake news ‘yan.

“Hindi ko naman nakakausap si Tito Jimmy at wala akong itinulong sa kanya. Hindi totoo ‘yan, fake news ‘yan.”

 

 

Ang paglilinaw na ginawa ni Willie ang instrumento para lumabas ang katotohanang fake news ito

At marami sa mga kababayan natin ang naging biktima dahil agad na naniwala.

 

 

Ang mga larawan naman ni Jimmy na nasa palengke at nagtitinda ng karne ay kuha sa kanyang YouTube vlog, kung saan sinubukan niyang maging meat vendor.

 

 

Sa panayam ng GMA kay Jimmy kamakailan, sinabi niyang nag-eenjoy siya sa pagiging vlogger dahil marami siyang natututunan at naibabahaging mga bagong kaalaman sa publiko.

 

 

Mukhang wala pang kasiguruhan ang pagbabalik ni Jimmy sa “Eat Bulaga” ngayong panahon ng pandemya dahil sa kanyang edad. Sa ngayon ay 69 years old na ang komedyante.

Anne Curtis, most followed celebrity pa rin, umabot na sa 17 million ang followers sa Instagram

Pauleen Luna kalmadong ipinaliwanag kung bakit walang suot na mask ang anak na si Baby Tali