in

Julia Barretto walang kaarte-arteng nagkamay sa mukbang vlog ng kaibigan nila ni Gerald Anderson

Walang keber at game na game si Julia Barretto sa Mukbang challenge sa vlog ng kaibigan nila ni Gerald Anderson.

Naimbitahan ang kasintahan ni Gerald sa vlog nina Joe Vargas at Bianca Yanga. Kung saan kumasa siya sa Mukbang challenge.

Ang mga nakahain na pagkain ay iba’t-ibang klase ng Pinoy favorite foods. Kabilang na ang Pork Barbecue, Fried Itik, Crispy Pata, at Ensalada.

Sa kanilang video ay nag-enjoy ang aktres kasama sina Joe at Bianca sa pagkain. Ngunit hindi ang masasarap na nakahain ang nakaagaw ng atensyon ng maraming netizens.

Ito ay ang walang kaarte-arteng pagkakamay ni Julia habang kumakain. Napansin din nila ang pagiging kalog ng dalaga.

Ayon kasi sa mga netizen ay hindi nila akalain na kakasa sa ganoong challenge si Julia. Dahil sa kanyang itsura na napaka-sopistikada ay mukhang hindi daw ito nagkakamay habang kumakain.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Nakakaaliw si Julia dito walang arte ha”

“Nagkakamay din naman pala siya game na game”

“Normal na normal si Juls sobrang natural”

“Abangan namin yung double mukbang date”

Marami din ang nag-request at nag-aabang ngayon ng ‘Mukbang Double Date’. Sana daw ay next time kasama na din nila si Gerald.

Panoorin dito ang kanilang video:

Video ng isang amang nagtitiis na sibuyas lang ang ulam kumurot sa puso ng maraming netizens

Isang amang namaalam,malaking halaga ng pera ang iniwan na hindi inaasahan ng kanyang pamilya