in

Kahit hindi kumita ng malaki, Judy Ann Santos hindi nagtanggal ng mga empleyado sa gitna ng pand3mya

Kahit nasa gitna pa din ng pakikipaglaban sa pand3mya, Judy Ann Santos inisip ang kapakanan ng kanyang mga empleyado.

Sa panayam ng aktres kay G3 San Diego, inamin nito sinisikap nila ng kaniyang asawa na si Ryan Agoncillo. Na panatilihing sumasahod ang kanilang mga tao dahil alam nila ang hirap ng buhay sa panahon ngayon.

“Kasi ‘pag nasa food business ka sa gitna ng pand3mya, ayaw mo madagdagan ‘yung mga taong walang trabaho,” saad ni Juday.

Dagdag pa ng aktres, “So basically, we thought let’s keep on going hanggang mahanap natin ‘yung sweet spot. As long as may ipapa-suweldo tayo at may pambayad ng monthly bills.”

Aniya di bale nang maliit lamang ang kikitain nila, ang mahalaga ay walang nawalan ng trabaho sa kanilang mga empleyado.

Pinasok na din ng mag-asawa ang mundo ng online selling na patok ngayong iniiwasan ng publiko ang lumabas ng bahay.

Suportado rin nina Juday at Ryan ang maliliit at mga bagong  negosyong nagbubukas ngayong panahon ng pand3mya sa pamamagitan ng pagbili rin ng pagkain sa mga online sellers.

Si Judy Ann ang may-ari ng restaurant na Angrydobo bukod pa sa franchise ng isang burger brand at pizza parlor.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang interview:

Makisig na prinisipe ng Brunei nais umanong makilala ng personal si Ivana Alawi!

Mariel Padilla nawindang! Aminadong hindi kaya pag wala ang mga kasambahay