in

Kilalang Aktor Bilang Kontrabida Na Si Gardo Verzosa, Inaming Naglalaba Para Matulungan Ang Kanyang Misis!

“Walang matigas na tinapay sa mainit na kape!”

Tila ito ang magandang linya para sa aktor na si Gardo Verzosa.

Kilala si Gardo bilang isa sa mga pangunahing kontrabida sa mga palabas at pelikula. Marami na siyang nagawang proyekto na talaga nga namang tigasin ang kanyang karakter.

Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, malayo sa totoong buhay ang kanyang pag uugali mula sa mga ginagampanang karakter.

Sa katunayan, siya pa mismo ang proud na proud sa kanyang social media post na agad namang hinangaan ng maraming netizens.

Proud na proud na ibinahagi ni Gardo ang kanyang selfie photo sa kanyang Instagram. Sa kanyang likuran, makikita ang mga damit na naka sampay.

“Never be ashamed of doin d laundry,” ang pagmamalaking caption ng aktor.

Pagpapatuloy niya pa, “Real men do d laundry” at sinundan ng iba’t-ibang emojis.

Sa comment section, agad namang hinangaan ng maraming netizens ang larawan na ito ni Gardo.

Narito ang ilang sa mga komento ng netizens:

“True cupcake… c hubby ko rin he does the laundry, removes the stain pa. My Dad did too when he was still alive. Perfect role model po ang mga gaya nyo para sa mga daughters out there.”

”Wow! proud of you swerte naman si wifey niyo po sir. Kaya love ka namin @gardo_versoza… You’re the man!”

”Hala sampay pa more cupcake lalong hanga sa yo my lodi matchete super bait!”

Nadine Samonte emosyonal sa naganap na gender reveal party sa kanilang third baby

TIGNAN: Ang “Simple but thoughtful” Birthday Message Ni Daniel Miranda Para Kay Sofia Andres