in

Kristel Fulgar nag construction worker sa sariling pinapatayong bahay

Kristel Fulgar, naging construction worker sa sarili niyang pinapatayong bahay.

Napaka hands on ni Kristel sa kanyang sariling pinapatayong bahay at makikita ito sa kanyang YouTube channel.

Si Kristel ay isa sa mga original members ng defunct kiddie gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit. Bukod sa pagiging aktres, pinasok na din niya ang pagiging vlogger. Hindi man siya aktibo sa telebisyon ngayon, active naman siya sa kanyang social media.

Makikita ang mga life updates ng aktres sa kanyang Facebook, Instagram at YouTube. Isa na nga sa mga success niya in life ay makapagpatayo ng sariling bahay sa edad na 26 years old.

Bukod dito, nakabili na din ng sariling sasakyan ang singer actress. May Gold Play button na din si Kristel sa kanyang YouTube channels na Kristel Fulgar at KrisTell Vlogs.

Sa kanya ngang YouTube channel, binahagi ni Kristel noong July 2021 ang pagiging construction worker niya sa kanyang bahay. Gusto daw kasi niya magkaroon ng ambag sa paggawa ng sarili niyang tahanan.

Naghalo ng semento si Kristel, naging electrician at siya din mismo nag lagay ng mga hallow blocks at semento.

Isang amang namaalam,malaking halaga ng pera ang iniwan na hindi inaasahan ng kanyang pamilya

Yassi Pressman proud na nag-flex tungkol sa kanyang fitness journey