in

Lolit Solis ipinagmalaki na nakatanggap siya ng “ayuda” mula kay Gretchen Barretto

Masayang ibinahagi ni Lolit Solis ang natanggap niyang “ayuda” mula kay Gretchen Barretto.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Manay Lolit ang kabaitan ni La Greta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto)

Saad ni Manay Lolit, “Naku dahil umuwi ng province ang mga kasama ko sa bahay na sina Mel at kami lang nila Cel ang naiwan dito sa bahay, taranta kami.”

“Tumutulo ang bubong, nasira ang ilaw sa garahe, naku talagang buhay very poor ang feeling ko. Heto na, dumating ang ayudang bigas at mga delata ni Ms. Gretchen Barretto ha, 7:00 p.m. lang pero walang ilaw ang garahe at ang dilim-dilim.”

Pagpapatuloy pa ng beterang kolumnista, “Nagtataka siguro iyon naghatid kung bakit kinakausap siya sa dilim ni Cel, tinatanggap ang bigas at ang box ng canned goods pero ayaw magsindi ng ilaw at sa kadiliman sila nag-uusap.

Hay, sure ako na aakalain ng naghatid na hindi kami nakabayad sa ilaw at sure ako na awang-awa iyon delivery man na makita nababalot ng dilim ang bahay ni Lolit Solis.”

Sa huli niyangpahaya ay pinasalamatan ni Manay Lolit si Gretchen sa ayudang ipinadala nito para sa kanya.

Aniya, “Thank You ko kay Gretchen Barretto na isinali ako sa listahan ng binigyan niya ng ayuda na in fairness ha, mga imported canned goods na hindi tipid, talagang marami.

Plus bongga ang bigas, top of the line at class A. Bait ng Gretchen dahil binalikan ang mga nakasama niya sa mundo ng showbiz, talagang give love siya.”

Mariel Padilla Aminadong Nainis Noon sa Love Scene ng Asawang Robin Padilla at Kris Aquino!

Andi Eigenmann ibinahagi ang pagka-miss niya sa kanyang panganay na anak na si Ellie