in

Mag-asawang Mariel At Robin Padilla, Masayang Nagdiwang Ng Kanilang 11th Wedding Anniversary

Ipinagdiwang ng mag-asawang Mariel Padilla at Robin Padilla ang kanilang 11th Wedding Anniversary.

Matatandaan na isa sa mga naging most trending wedding sa showbiz industry ang kanilang kasal dahil sa naging church venue nila.

Ikinasal noon si Mariel at Robin sa Taj Mahal, ang kilalang simbol ng pagmamahal na nakatayo sa New Delhi, India.

Dalawang beses ikinasal sina Mariel at Robin— Born Again Wedding at Igorot Ceremony.

Ngayon nga August 19, minarkahan ng dalawa ang kanilang 11th Year Wedding Anniversary.

Sa kanyang Instagram, binati ng aktres ang kanyang asawa kasama ang mga larawan nila na magkasama.

“11 years [ring emoji] I’d still choose you @robinhoodpadilla happy anniversary”

Ang mag-asawa ay biniyayaan ng dalawang babaeng anak na sina Maria Gabriella at Maria Isabella.

Sa kabilang banda, binati din ng action star ang kanyang may bahay sa pamamagitan ng pag upload ng kanilang video na kuha mula noong 2014 sa kanilang honeymoon.

“isa sa mga Honeymoon namin na punong puno ng katatawanan at adventure. literal na walang plano ang mga lakad namin basta in the name of love bahala na kung san kami mapadpad,” bahagi ng kanyang caption.

Marami naman ang bumati sa mag-asawa para sa mahigit isnag dekada na kanilang pagmamahalan.

Happy 11th Wedding Anniversary Mariel at Robin!

Solenn Heussaff naaliw sa pag-aayos ng kanyang asawang si Nico Bolzico sa anak nila si baby Thylane

Angel Locsin handa ng maging stepmom sa 14years old na anak ni Neil Arce