in

Mariel Padilla nawindang! Aminadong hindi kaya pag wala ang mga kasambahay

Naranasan ni Mariel Padilla ang hirap ng pagiging plain housewife ng panandalian siyang iwan ng kanilang mga kasambahay.

Aminado si Mariel na bilib na bilib siya sa mga nanay na kinakaya ang mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga anak. Nasanay umano siyang palaging may tumutulong sa kanya. Kaya hindi niya mapigilang makaramdam ng takot na baka hindi niya kayanin.

Naranasan kasi ni Mariel ang hirap ng walang katulong ng iwan sila pansamantala ng kanilang kasambahay. Dahil kailangang magpabakuna ng mga ito.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Mariel ang kanyang karanasan habang wala ang kanilang mga kasambahay.

Ipinakita ni Mariel Padilla kung paano niya kinaya ang mga gawain niya sa bahay nang wala ang kanyang mga yaya.

Sa video na kanyang ibinahagi, agad niyang pinakain ang mga anak pagkagising ng mga ito. Bukod sa mga anak, kinailangan din niyang maghatid ng order sa kanyang negosyo.

Ang mister naman niyang si Robin Padilla ay nasa isang kwarto at hindi pwedeng lumabas.

Dahil dito, walang ibang choice si Mariel kundi tapusin ang lahat ng mga gawaing bahay nang mag isa lang siya. Kasama na dito ang pagbabantay kay Isabella at Gabriella.

Kitang-kita na ramdam ni Mariel ang hirap nang walang katuwang sa bahay.

Kaya naman nang makabalik na ang kanyang mga kasambahay ay labis ang tuwa niya at nakahinga na siya ng maluwag.

Kahit hindi kumita ng malaki, Judy Ann Santos hindi nagtanggal ng mga empleyado sa gitna ng pand3mya

Video ng isang amang nagtitiis na sibuyas lang ang ulam kumurot sa puso ng maraming netizens