in

Melai Cantiveros isa pala sa mga tumulong noon kay Francine Diaz sa pagbabayad ng mga bills

Ipinamalas pala noon ni Melai Cantiveros ang kanyang generosity sa young Kapamilya actress na si Francine Diaz.

Sa isang episode ng morning talk show ng Kapamilya network na Magandang Buhay. Naibahagi ni Melai ang pagtulong na ginawa niya kay Francine noong ito ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Ayon sa actress-TV host, mapuputulan umano ng kuryente noon sila Francine kaya si Melai na ang nagbayad nito para sa kaniya.

Nakiusap lang umano ang ina ni Francine kaya tinulungan niya sa pagbayad ng kanilang bayarin. Kwento pa ni Melai, kahit ang mga meryenda nila noon ay inuuwi talaga ng dalaga. Para sa kanyang mga kapatid dahil para sa kanila malaking bagay na iyon.

“Hindi naman yun ganoong ka-big deal. Nakiusap lang yung mama niya. Pero siyempre… Kahit ano man yan, ang importante marunong kang tumulong.”

Ani pa ni Melai, ibinabahagi lamang niya ang binigay na biyaya sa kanya ng Panginoon.

Dito nagsalita naman ang co-host niyang si Karla Estrada at sinabing, “Kahit ano man yan, ang importante marunong kang tumulong. Bakit pinagpapatuloy mo ang pagtulong at pipasa mo yan sa iba. Why is it very important to you?”

Na mabilis namang sinagot ng asawa ni Jayson Francisco na si Melai ng, “Very important yan sa akin para pamarisan tayo ng iba. Binigyan tayo ng blessing para ibigay din yong blessing sa iba.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan:

Ivana Alawi ibinahagi na pagiging waitress ang kauna-unahan niyang trabaho noon sa Bahrain

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo binisita ang loteng pagtatayuan diumano ng kanilang future home