in

Neil Arce may tribute para sa misis , ipinatattoo si Angel Locsin sa kanyang dibdib

Bilang patunay ng kanyang wagas na pagmamahal para sa asawa, nagpa-tattoo sa dibdib si Neil Arce ng papakpak ng anghel.

Sa kanilang latest vlog sa YouTube channel nila na The Angel & Neil Channel limang oras na tumihaya si Neil sa isang tattoo shop.

Para magpalagay ng mga pakpak sa kanyang dibdib na simbolo umano ng kanyang misis na si Angel Locsin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)

“First time ko magpa-tattoo for a girl,” saad ni Neil.

“For my wife..I will only do that for my wife syempre. I know I’ll be with her forever,” nakakakilig pa niyang banat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Dagdag pa nga ni Neil, “Sana matuwa si Angel sa ginawa ko. Kasi naniniwala ako na may chance din na magagalit siya ‘pag nakita niya ‘yung napakalaking tattoo ko”

“Pero this is all for the love of my wife. I want to put her in my body forever.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Bukod dito, ibinahagi rin ni Neil ang kanyang opinyon sa mga taong mapanghusga sa mga taong burdado.

“Sabi ko sa sarili ko, I will never work in a place where tattoos that are seen aren’t allowed,” sambit niya.

“Hindi ko ilalagay ang sarili ko sa sitwasyon na ija-judge ako sa looks ko, or sa personal preference ko na ilagay sa katawan ko,” pagpapatuloy pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Ibinahagi din ni Neil na ang kauna-unahan niyang tattoo ay isang krus para ipabatid sa mundo ang matinding pananampalataya niya sa Diyos.

Bea Alonzo gandang ganda kay Dominic Roque ng gawin niyang babae ang nobyo gamit ang trending face changer app

Nikka Martinez may sweet birthday message para sa kaarawan ng kanyang mister na si Patrick Garcia