in

Neri Naig-Miranda ipinasilip ang napakalawak na loteng pagtatayuan ng “Miranda’s Farm House” soon

Ibinahagi ni Neri Naig ang sneak peek ng ipinapatayo nilang “Miranda’s Farm House” sa Alfonso, Cavite.

Napagdesisyunan na ng celebrity couple na sina Neri Naig at Chito Miranda na manirahan na sa nabili nilang farm house very soon.

Ayon sa aktres, isa sa mga rason kung bakit mas gusto niya ngayong tumira sa farm kasama ang kanyang pamilya ay para na rin sa healthier lifestyle.

Nag-post si Neri ng litrato ng bago nilang property sa Instagram na may caption na, “Miranda’s Farm House…. soon! We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin siyempre sa Alfonso.

Dagdag pa niya, “Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay.

At dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Mag-aalaga din umano sila doon ng baboy, manok para everyday may fresh eggs.

Plano rin daw nila kung kakasya pa ay mag-alaga din ng mga baka para naman sa fresh milk ayun daw kase ang request ni Miggy.

Sinabi rin ni Neri na makakasama nila sa bahay ang kaniyang ina, at may nakahanda ring kuwarto para sa mga magulang ni Chito.

Sa sumunod na post ay ibinahagi naman ni Neri ang nabili niyang lote sa likod lamang ng kanilang rest house.

Napalagyan na din umano niya ito ng bakod at gate, at napalinis na rin niya ito

At pwede ng taniman ng mga puno.

Habang nag-iipon daw ay gagawin muna nila itong taniman ng gulay para sa sa tuyuan at sa kanilang bagong resto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Celebrity couple Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, umattend ng binyagan

Enrique Gil naniniwalang malaki ang potensyal ni Liza Soberano na manalo sa Miss Universe