in

Para sa kalusugan ng kapatid na si Mona, Ivana Alawi handang ubusin ang kung anong meron siya

Para gumaling ang kapatid na si Mona, kahit maubos umano ang kung anong meron siya ay ibibigay ni Ivana Alawi.

Nangingilid ang luha ni Ivana nang maikwento niya kay Ogie Diaz ang tungkol sa karamdaman ng kapatid na si Mona.

Ayon pa nga kay Ivana ay handa umano niyang ubusin ang lahat ng kanyang pera. Masigurado lamang ang paggaling ng kanyang bunsong kapatid.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na diabe’tic si Mona at nagte-take na ito ng insulin. Kahit pa nga mismong si Mona na daw ang umaayaw ay hindi niya ito pinapakinggan.

Aniya, “Umiiyak na lang ako, sabi ko, Mona lumaban ka… Alam mo ‘yun puro sakit e. Every day, all she feels is pain.”

Ibinahagi pa ni Ivana na sa kasalukuyan nga ay naghahanap pa sila ng mas better na treatment para sa kapatid, dagdag pa nito na paminsan pa ay siya pa mismo ang nag i inject ng insulin sa kapatid.

“Minsan nga sinasabi ni Mona, ‘Ate tama na. Ang mahal nito, ang mahal ng ganyan’. Sabi ko, ‘Mona, kaya nga ako (nagtatrabaho) because I want to give you the best’. Bakit pa ako nagtatrabaho kung hindi ko naman ibibigay sa pamilya ko,” saad ni Ivana.

Ayon pa kay Ivana ang kanyang pamilya ang inspirasyon niya sa buhay.

Chad Kinis proud na ipinaalam sa publiko na isa na siyang ganap na tatay!

Ylona Garcia proud na ibinahagi na nagtatrabaho siya ngayon bilang isang service crew sa Australia