in

Pauleen Luna kalmadong ipinaliwanag kung bakit walang suot na mask ang anak na si Baby Tali

Sinagot ni Pauleen Luna ang isang netizen na pumuna kung bakit walang suot na mask si Baby Tali.

Pangunahing safety protocol ng gobyerno ngayon ay ang pagsusuot ng mask lalo na sa pampublikong lugar.

Kaya naman may mga ilang netizens ang pumupuna sa mga taong walang suot nito. Lalo na sa mga celebrities.

At ito ang nangyari kamakailan sa actress at Eat Bulaga TV Host na si Pauleen Luna.

Kahapon, July 11 ay nagpost si Pauleen ng litrato ng weekend bonding ng kanyang pamilya.

Sa nasabing litrato ay kasama niya ang anak na si Baby Tali.

Field day! Thank you Lord for my family!” saad ni Pauleen sa kanyang caption.

Sa comment section ng kanyang post ay may isang netizen ang pumuna at nagtanong kung bakit walang suot na mask si Baby Tali.

Komento ng nasabing netizen, “Bkit kaya nka mask ang nanay pero c tali hindi…tanong lng po.”

Kalmado namang sinagot ni Pauleen ang tanong na ito ng netizen.

Ipinaliwanag din niya na safe si baby Tali kahit wala itong mask since nasa open field naman sila.

“Kids have the tendency to take off their mask esp if hirap ng huminga [sa hingal] don’t worry, we were in a huge field, walang nagkakadikit na tao,” sagot ni Pauleen.

Ilang netizens din ang nagreply sa tanong ng nasabing netizen kay Pauleen.

Narito ang ilan:

“they’re too young to wear one anyway. They’re still growing! No need to wear mask.”

“tama ms pauleen. dito sa canada hndi nka mask ang mga bata kse mhirapan silang huminga.. kya should be lhat ng adults nka mask”

“kids are not required to wear masks. Thats why us adults must wear ours properly to protect them”

Jimmy Santos umalma sa balitang naghihirap na siya at nagtitinda na lang ngayon sa palengke

Robin Padilla aminadong walang kredibilidad na magpayo sa anak na si Kylie Padilla tungkol sa pag-aasawa