in

Piolo Pascual balik ASAP na nga ba? Nagpasalamat sa mga patuloy ang suporta sa ABS-CBN

Ikinagulat ng marami ang virtual appearance ni Piolo Pascual sa ‘ASAP Natin ‘To’ noong Sunday.

Nagsama-sama ang ilan sa malalaking Kapamilya stars sa live show ng ASAP Natin ‘To para i-celebrate ang pagiging “Kapamilya Forever.”

Ito ay sa kabila ng unang anibersaryo ng pagkakabasura ng Kongreso sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

At kasama nga sa mga Kapamilya stars na dumalo ay si Piolo Pascual.

Na nawala sa programa noong 2020 nang piliin muna niyang sumali sa katapat na TV5 program na Sunday Noontime Live.

Tumakbo ang Sunday Noontime Live mula Oktubre 2020 hanggang January 2021, at idinirek ng dating Star Magic chairman emeritus at direktor ng ASAP na si Johnny “Mr. M” Manahan.

Sa kanyang mensahe sa AVP, nagpasalamat si Piolo sa viewers na nanunuod sa iba-ibang broadcast platforms ng ABS-CBN.

“Kapamilya, thank you for continuing to let us into your homes through all the different available platforms.”

“As we face a lot of hardships and difficulties this last year, your support and your trust will always be an inspiration for us to continue to be in the service of the Filipino,”

“Maraming salamat po, I’ll see you soon,” saad ni Piolo.

Dahil sa huling tinuran ni Piolo ay nagkaroon tuloy ng sapantaha ang ilan na babalik na ang aktor sa pagiging host ng ‘ASAP Natin ‘To’. May mga fan din na na-excite dahil makikita na nila ulit ang idolo nila sa nasabing show.

Matatandaang iniwan ni Piolo ang ‘ASAP Natin ‘To’ at naging main host sa  ‘Sunday Noontime Live’ ng Brightlight Productions na umere sa TV5.

Pero hindi nagtagal ang show hanggang i-take over na rin ng ‘ASAP Natin ‘To’ ang timeslot na ‘yon ng TV5.

Bilang bahagi ng free TV expansion ng mga Kapamilya show.

Robin Padilla aminadong walang kredibilidad na magpayo sa anak na si Kylie Padilla tungkol sa pag-aasawa

Vice Ganda nilinaw na wala umano siyang galit sa mga Kapamilya stars na lumipat ng network