in

Pokwang hindi napigilang maluha sa kanyang IG Live nang maalala ang kanyang ina

Naging emosyonal ang Kapuso comedian na si Pokwang habang nakalive sa Instagram nang bigla niyang maalala ang kanyang ina.

Hindi napigilang maiyak ni Pokwang tuwing maalala ang pagp4naw ng kanyang inang si Gloria Subong. Dahil sa sakit na dem3ntia noong nakaraang taon.

Kamakailan nga lamang habang naka-live sa Instagram ay bigla na lamang ullit tumulo ang kanyang luha.

“Kahit may mga anak na ako, takbuhan ko pa rin ang nanay ko,” naluluhang sabi ng komedyana.

Pagpapatuloy niya habang umiiyak, “Sorry. Na-miss ko lang nanay ko. Hirap na walang nanay.”

At dahil malapit na ang Mother’s Day, gusto lang nitong iparating sa kanyang yumaong ina na mahal na mahal niya ito at sana ay lagi siyang bantayan nito pati na rin ang kanyang pamilya.

Araw-araw, sabihin niyo sa nanay niyo, I love you. Araw-araw, yakapin mo sila.”

“Kasi tuwing Mother’s Day, dito kami pumupunta… Pasensya na kayo ha, na-miss k olang nanay ko. Kagabi pa, kagabi ko pa siya iniisip. Di ako makatulog.”

“Di bale, gina-guide kami nun.” Ulilang lubos na kasi si Pokwang dahil parehas nang sumakabilang buhay ang kayang nanay at tatay.

Tanging siya na lamang at ang kanyang asawa pati na rin ang dalawang anak ang kasama ng aktres sa buhay.

Yassi Pressman proud na nag-flex tungkol sa kanyang fitness journey

Chad Kinis proud na ipinaalam sa publiko na isa na siyang ganap na tatay!