in

Proud Girlfriend si Julia Barretto sa bagong negosyo na naipatayo ng nobyong si Gerald Anderson

Hindi napigilan ng aktres na si Julia Barretto na maging proud sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Mula nang ipatupad ang community quarantine noong nakaraang taon dahil sa pandemya, maraming negosyo na ang nagsarado.

At isa nga sa naapektuhan ay ang Gym ng aktor na si Gerald Anderson. 2019 lamang nagbukas ang The Th3rd Floor gym

Kaya naman habang hindi pa nag-ooperate ay nag renovate at mas pinaganda pa ni Gerald ang kanyang GYM.

Sa kanyang post ibinahagi ni Gerald,  “The Goal is not to be better than other man, but your previous self” – The Th3rd Floor is a place to get better”

Makatapos naman nito ay binati naman ni Julia Barretto ang kasintahan. Bilib din umano ang aktres sa sipag at tiyaga ng kanyang nobyo.

Ani Julia,  “Always turning your visions into reality. You are the most driven, hard working person I know and I am inspired by you everyday. Congratulations on theth3rdfloor Park.”

Sa kabila nang pinagdaanang pagsubok dahil sa pandemiya, sa ngayon ay tuloy ang laban ni Gerald  para sa kanyang fitness center.

“Ang hirap. But again naniniwala ako sa mission and I know kapag nalagpasan na natin ito ay magiging okay na ang lahat,” ani Gerald.

Kim Atienza tuluyan nang namaalam sa ABS-CBN matapos ang 17 na taon bilang Kapamilya

Sharon Cuneta pumunta ng New York para sorpresang bisitahin ang kanyang anak na si Frankie