in

Rabiya Mateo walang problema sa pakikipag-date sa mga lalaking mas matanda sa kanya

Aminado si Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo na nakipag date siya noon sa mas matanda sa kanya.

Sa episode na ng “The Boobay and Tekla Show,” kamakailan ay naging guest si Rabiya Mateo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Dito ay inamin ng beauty queen na nakipag-date siya noon sa isang lalaki na seven years ang tanda sa kanya.

“Three years yung ex ko, pero nakipag-date din ako sa seven years yung gap namin,” saad nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Dito nga niya nabanggit na maaaring hinahanap niya noon sa isang lalaki ang father figure dahil nga sa buong buhay niya ay ang nanay lamang niya ang nakasama niya.

“Wala akong dad so siguro yung hinahanap ko sa relationship is somebody na mag-aalaga sa akin. Tatay pala talaga yung hinahanap?” ang natawang pahayag ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Nang tanungin kung payag ba siyang makipag-date sa mga lalaking 50 years old pataas, birong sagot ni Rabiya, mag-aaral daw muna siyang maging caregiver.

Ayon pa sa Pinay beauty queen, naniniwala siya sa kasabihang “love has no boundaries” at lahat ay may karapatang magmahal at mahalin regardless kung anuman ang kanilang edad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

“As long as kayong dalawa, nasa legal age naman, and if it’s love, wala tayong magagawa. Love has no gender, it has no age. Basta legal kayong dalawa,” pahayag pa niya.

Samantala, sinabi rin ni Rabiya kina Boobay at Tekla na naaapektuhan din siya ng mga hate comments noong sumabak siya sa Miss Universe Philippines 2020. Kabilang na rito ang reaksyon ng ilang netizens na, “isang kabit kaya nanalo.”

Aktor na si Wendell Ramos pinatunayang isa pa rin siyang HUNK sa edad na 43

Latest vlog ni Ivana kasama ang kanyang buong pamilya, nagbigay saya na namang muli sa marami