in

Robin Padilla aminadong walang kredibilidad na magpayo sa anak na si Kylie Padilla tungkol sa pag-aasawa

Aminado ang action star na si Robin Padilla na wala siya sa posisyon.

Para manghimasok sa pinagdadaanan ng anak na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sa panagalawang bahagi kasi ng panayam kay Robin ni Ogie Diaz ay natanong siya nito.

Kung ano ang maipapayo niya sa estado ng relasyon ngayon nina Kylie at Aljur.

“Pagdating sa marriage ano ba ma-a-advise ko? E, failure din kami ng mama niya [Kylie]. Ano’ng credibility ko?” paliwanag ni Robin.

“Sabi ko pag-Muslimin mo na lang si Aljur.”

Si Kylie ay anak ni Robin sa dating asawa na si Liezl Sicangco na nakabase sa Australia.

Matatandaang isiniwalat ni Robin kamakailan sa vlog ni Ogie na totoong hiwalay na sina Kylie at Aljur.

Sinabi rin ni Robin na third party sa panig ni Aljur ang dahilan ng hiwalayan.

Bago ang rebelasyon ni Robin ay usap-usapan na rin sa loob at labas ng showbiz na nagkakalabuan ang mag-asawa.

Ganunpaman ay pinayuhan daw ni Robin si Kylie na balikan ang mga dating hilig nito at baka makatulong para manumbalik ang sigla at kumpiyansa sa sarili.

“Sabi ko sa kanya mahirap ‘yong ganyan ang sitwasyon ng puso mo tapos wala kang gagawin. Dapat mag-ensayo ka, ibalik mo ‘yong fighting [spirit mo],” saad ni Binoe.

Kilala si Kylie bilang fitness enthusiast at nahilig din ito sa martial arts nung ito’y dalaga pa.

“Lumaban ka ulit. Fighter kasi ‘yan, totoong fighter ‘yan. Balik mo ‘yong dati mo,” payo ni Robin sa anak.

Sang ayon naman si Robin na dumistansya muna sina Kylie at Aljur sa isa’t-isa para makapagisip-isip.

Bukas din siya sa posibilidad na muling magkakabalikan ang dating mag-asawa pagdating ng araw.

Panoorin dito ang kabuuan ng video:

Pauleen Luna kalmadong ipinaliwanag kung bakit walang suot na mask ang anak na si Baby Tali

Piolo Pascual balik ASAP na nga ba? Nagpasalamat sa mga patuloy ang suporta sa ABS-CBN