in

Robin Padilla sinabing proud siya sa sipag sa negosyo ng asawang si Mariel Padilla

Proud husband ang peg ni Robin Padilla sa pagiging masipag ng kanyang misis na si Mariel Padilla.

Succesful na nga ngayon ang negosyo ni Mariel. Nakakapagdeliver na siya kung saan saan at patok na patok sa panglasa ng mga Pinoy ang kanyang paninda.

Bukod sa pagiging aktres at hosting niya sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime, hands on din si Mariel sa kanyang negosyo na Cooking Ina.

Kaya naman proud na proud si Robin sa kasipagan ng kanyang misis na katulong niya sa pagtaguyod ng kanilang pamilya.

Sa naging Facebook post ng action star noong January 19, 2021, makikita ang maiksing video ni Mariel.

Sa nasabing video, makikitang tumayo sa pagkakahiga si Robin at tsaka itinutok ang camera sa asawang nasa labas. Makikitang may buhat na malalaking styrofoam storage si Mariel mula sa parking area papasok ng bahay.

Natatawang sabi ni Robin, “Babe? Kargador ka na pala ngayon?”

“Bawal naman ako lumapit sa mga produkto habang hindi natatapos ang 21 days na clearing period kaya taga tanawan muna ako”

Aniya sa caption, “Cooking Inang yan. Sya na rin ang kargador habang nasa bakasyon ang mga angels ng cooking Ina food market.”

Panoorin dito ang video ni Robin:

Ylona Garcia proud na ibinahagi na nagtatrabaho siya ngayon bilang isang service crew sa Australia

Madam Inutz gustong maka-bed scene si Piolo Pascual!