in

Sharon Cuneta gusto ng ampunin si Julia Montes dahil mas lalo itong napamahal sa kanya

Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kagustuhan niyang maging tunay na anak na ang aktres na si Julia Montes.

Sa Instagram, sinabi ng beteranang aktres na habang lalong tumatagal ay napapalit siya kay Julia. Dagdag pa riyan, “baby ko” na rin ang tawag ni Shawie kay Julia.

Aniya, “Habang tumatagal, lalo syang napapalapit at napapamahal sa akin. Gusto ko na nga ampunin si @montesjulia08 para maging anak ko na talaga! Love you baby ko”

Kalakip nito ay ang larawan nila na nakaangkas sa motor at nakayakap si Sharon kay Julia.

Kinilig naman ang mga fans ni Julia sa post na iyon ng Megastar. Love na love din nila si Sharon dahil love nga ng Megastar si Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Magkatrabaho ngayon sa longest running tv series ng ABSCBN na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sina Megastar at Julia.

Sa istorya sa teleserye ay sina Julia at Sharon ang tunay na mag-ina. Kaya naman sa tunay na buhay, ay mukhang nais na nga talaga ni Ate Shawie na maging nanay ni Julia.

Umaasa naman ang kanilang mga fans na after ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ay magsama naman sina Sharon at Julia sa isang pelikula.

Itsura ni Regine Velasquez ng walang make-up proud na ipinakita ng asawa niyang si Ogie Alcasid