in

Sharon Cuneta magiging cast na din ng long time running serye ng dos na “FPJ’s Ang Probinsyano”

Megastar na si Sharon Cuneta next big star na posibleng madagdag sa cast ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Ito ang usap-usapan sa Twitter dahil sa isang post ng Kapamilya fan page. Ayon sa nasabing post ay nakikipag negotiate na umano ang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal sa management team ni Sharon.

Saad sa nasabing Tweet kalakip ang art card ni Mega at ng “FPJ’s Ang Probinsyano”

“Inaayos na ng @ABSCBN at @DreamscapePH ang pagpasok ng Megastar, Sharon Cuneta, sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito ang magiging kauna-unahang teleserye ni Sharon bilang isang Kapamilya

Ano kaya ang magiging papel ng Megastar sa buhay ni Cardo? ABANGAN!”

May mahalagang karakter daw na gagampanan si Sharon kaya kanya-kanyang hula na ang lahat kung ano ito.

May nagsabing baka raw si Sharon ang gaganap na tunay na ina ni Julia Montes bilang si Mara dahil kapansin-pansin na mainit ang dugo ni Rosanna Roces sa dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Deo Endrinal (@deo_endrinal)

Say naman ng iba baka ang Megastar ang tutulong kay Rowell Santiago as Presidente Oscar Hidalgo sa pagtakas nito

Samantala mismong si Sharon na din ang nagsabi na gusto na niyang muli magbalik sa telebisyon.

Ethel Booba pinrank ang mister kunyaring niregaluhan ng brand new na Pick Up

Anne Curtis aminadong isa siyang “praning” magmula ng siya ay maging nanay na