in

Sikat na TikToker na si Lea Dumortier masaya sa paghambing sa kanya kay Marian Rivera

Talk of the town ngayon ang French-Taiwanese na TikToker dahil sa malaking pagkakahawig niya kay Marian Rivera.

Maraming nakapansin sa TikTok na parang batang version ni Marian si Lea Dumortier, isang 18-ear old student na nag-aaral sa UC Berkeley sa Amerika.

Agaw pansin siya ngayon sa TikTok at halos lahat ng kanyang videoay may mga comments na kamukha niya si Marian.

Makikita nga sa mga video at larawan ng nasabing dalaga, na kapag pinagmasdang mabuti ang kanyang mukha ay talaga namang masasabi nga na ito ay mayroong malaking pagkakahawig kay Marian.

Gumawa din si Lea ng isang make up video kung saan sinabi niya na ganun daw ang itsura ni Marian.

Kaya naman mabilis na nag-viral ang mga litrato ni Lea at halos lahat ng nakakita sa kanya ay talagang nagsabing inakala nilang si Marian ito. Kahit nga may suot itong face mask ay aakalain mong siya si Marian.

Nag-react naman si Lea sa mga nagsasabing kamukha siya ni Marian kung saan sinabi nitong baka ‘secret daughter’ siya ng aktres.

Kung titingnan ang features ng mukha ni Lea ay malapit-lapit ito sa itsura ni Marian, lalo na sa bandang mata.

Para naman kay Lea Dumortier ay talagang nakaka-overwhelmed ang mga natanggap niyang mensahe mula sa kanyang mga tagahanga.

Andi Eigenmann ibinahagi ang pagka-miss niya sa kanyang panganay na anak na si Ellie

Nadine Lustre namataang naka-angkas sa motor na minamaneho ng rumored boyfriend sa isla ng Siargao