in

Sunshine Garcia at Alex Castro masayang ibinahagi na paparating na ang kanilang second baby

Excited na ang celebrity couple na sina Sunshine Garcia at Alex Castro sa kanilang second baby.

Ibinahagi ni Sunshine ang masayang balita sa publiko sa pamamagitan ng Instagram photo nila ni Alex na kuha sa isang gym pagkatapos ng kanilang workout.

Saad ni Sunshine sa kanyang caption, “See you soon bunso Excited na kami makita ka. Pwede ka maging makulit ha wag lang kasing kulit ni AXEL pls”

Nag-post din si Alex gamit ang kaparehas na photo na may caption namang, “Surprise! May bunso na naman kami ni @sunshine_garcia excited na kami na mabuhat ka at alagaan. We still don’t know the gender pero maging healthy ka lang happy na kami.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Castro (@bmalexcastro)

Agad namang nagpahaging si Sunshine sa kahustuhan niyang magkaroon ng baby girl.

“Babae yan! Or pag hindi gawin ko qna lang Babae,” comment nito sa post ng asawa.

Marami namang mga kaibigan ang nag-congratulate sa bagong blessing na dumating sa buhay ng celebrity couple tulad ni Kaye Abad.

“Tingnan mo nganaman oh. Parang kelan lang pinag uusapan natin kung pano makaka buo. Ngayon nakaka dalawa na tyo! Congrats sa inyo mare!” saad nito.

“WOAH!!!! ATE SS!!!!!!! so happy for the both of youuu!!!” comment naman ni Ritz Asul.

“Ninang na naman kame” comment naman ng former Sexbomb dancer na si Johlan.

“WoHOOOOOO conggratss NLEX” say naman ni Melai Cantiveros.

“Congrats Boss” saad naman ni Jhong Hilario na hands on daddy na din ngayon.

Sina Sunshine at Alex ay ikinasal noong March 2019, makatapos ang halos dalawang taon nilang naging engaged.

Wil Dasovich naging champion sa international vlog festival sa Malta, maguuwi ng $30,000

Chynna Ortaleza aminadong hindi pa siya sanay sa buhay probinsya, nag-a-adjust pa sa bago nilang nilipatan