in

TikTok dance ni Jaclyn Jose kinagiliwan ng mga netizens, Andi Eigenmann tinawag na bagets ang ina

 

Hindi napigilan ni Andi Eigenmann na mapa-react sa viral TikTok dance ng kanyang inang si Jaclyn Jose.

 

 

Trending ngayon sa social media ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose. Ito ay nang ibahagi niya ang kanyang TikTok video na nagsasayaw.

Nakilahok ang 57 year-old actress sa viral ‘Breakfast Challenge’ sa TikTok.

 

 

“YACHIE para sa KAPUSO sa #theworldbetweenus sa @24oras,” saad ni Jaclyn sa kanyang caption.

Sa kanyang video ay makikita naman ang nakaka aliw na pag-indayog ng batikang aktres sa saliw ng tugtog.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

 

Kaya naman, hindi napigilan ng kanyang nak na si Andi Eigenmann na i-repost ang video ng kanyang ina.

 

 

Sa IG Story ni Andie ay tinawag pa niyang bagets ang kanyang nanay “Bagets si Nanay” with laughing emoji ang caption nito.

 

 

Ilan din sa mga kapwa artista ni Jaclyn Jose ay nagbigay ng kani-kanilang reaksyon sa kanyang video.

Saad ni Andrea Torres, Love it Nay”

Galing, Yachie,” komento naman ni Jasmine Curtis.

“Cute mo my friend @jaclynjose” say naman ni Sandy Andolong.

Komento ni Gardo Versoza, “galing mo naman abe” na sinagot naman ni Jaclyn ng, “alang alang sa ekonomia!”

 

 

Maraming netizens din ang naaliw sa video ni Ms. Jaclyn Jose, may ilan pa ngang nagsabi na sana raw ay magcollab sila ni Gardo.

 

 

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Waahhh! Ang cute mo po nay. We miss you po. Ingat ka po palagi”

“Sana makasama mo si Lilo, mag tiktok nanay”

“Ang pretty niyo naman po Yachie! “

“collab kayo ni cupcake nay!”

 

 

Kamakailan din ay kinatuwaan ng netizens ang video g pag-impersonate ni Jaclyn sa commercial ni Susan Roces.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Bridal walk video ni Ara Mina habang pinapakalma ang sarili viral ngayon sa social media

Trailer ng teleseryeng “Kahit Minsan Lang” ni Bea Alonzo na hindi natuloy, viral ngayon sa social media