in

Trailer ng teleseryeng “Kahit Minsan Lang” ni Bea Alonzo na hindi natuloy, viral ngayon sa social media

Usap-usapan ngayon ang video trailer ng teleseryeng “Kahit Minsan Lang”

Ito ay ang seryeng nakansela na dapat ay pagbibidahan ni Bea Alonzo.

Magiging leading man sana ng aktres sa nasabing serye ay sina Rafael Rosell, at Richard Gutierrez.

Kinabibilangan dito ito ng mga bigating artista tulad nina Helen Gamboa, Eva Darren, Edu Manzano, at Nonie Buencamino.

Nauna ng naipabalita na nakansela ang nasabing proyekto ng dahil sa pandemya.

Nagsimula kasi ang taping ng teleserye isang taon na ang nakalilipas hanggang abutan ito ng lockdown.

Lumabas din ang balita na inayawan diumano ni Bea ang proyekto. Natatakot pa umano ang aktres magtrabaho dahil sa pandemya.

Ngunit makalipas ang ilang buwan ay bigla namang nag-viral ang trailer ng nasabing serye.

Ito ay kasunod ng paglipat ni Bea sa Kapuso Network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Kaya naman marami ang nagsasabi na ang dahilan umano ni Bea na ayawan ang proyekto ay dahil sa paglipat niya ng istasyon.

Kinondena pa nga ang aktres ng ilang Kapamilya executive dahil dito. At siya ang sinisisi ng pagkahinto ng “Kahit Minsan Lang.”

Ngunit sa panayam kay Bea sa kanyang contract signing sa GMA sinabi nitong mutual decision daw ang nangyari.

“I was doing a soap for them. But then nagkar’on ng pandemic. And alam naman natin na maraming pagbabago. So nagkaroon rin ng pagbabago sa story. And we came to a decision na hindi na lang matutuloy yung soap,” paglilinaw ng aktres.

Dagdag pa niya, “Malaking-malaki ang respeto ko sa ABS-CBN lalong-lalo na sa production team nila. And of course nirespeto natin ang mutual decision namin na ‘yun. And if I’m not mistaken, parang one year na rin akong walang ginagawang soap at walang contract.”

Narito ang viral trailer:

TikTok dance ni Jaclyn Jose kinagiliwan ng mga netizens, Andi Eigenmann tinawag na bagets ang ina

Videos at Photos ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson sa Pampanga usap-usapan ngayon sa social media