in

Vice Ganda may pahayag tungkol sa binawing quarantine restrictions, naawa kay Ryan Bang

Muling nagbigay ng kanyang pahayag si Vice Ganda laban sa quarantine restrictions ng gobyerno.

Kilala si Vice sa mga celebrity na pumupuna sa mga maling nagagawa o desisyon ng gobyerno. Kaugnay sa paglaganap ng pandemya.

Kamakailan nga lamang ay ipinahayag ng Unkabogable Star ang pagkadismaya niya sa ibinigay na quarantine restrictions.

Nauna na kasing i-announce ng Inter-Agency Task Force na gagawin ng GCQ ang buong NCR. Ngunit in the last minute ay binawi ito at ibinalik sa MECQ.

Kaya naman ibinahagi ni Vice ang kanyang reaksyon niya ukol dito sa nagdaang episode ng It’s Showtime.

Saad ni Vice, “Ay, GCQ na ready ka… Paglabas mo ay MECQ ulit. Pinaglololoko nyo kami.”

Dagdag pa niya, “Alam nyo napaglalaruan yung mga tao. Kawawa napaglaruan. Tapos hindi kayo humihingi ng sorry, tinatalakan nyo pa sila.”

Naawa kasi si Vice ng ikwento ni Ryan Bang ang panghihinayang nito sa nabili niyang supplies para sa kanyang restaurant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Bang (@ryanbang)

Nang i-announce kasi na GCQ na sa NCR ay umorder na siya ng mga pagkain para sa kanyang resto. Nakipag meeting na din siya sa mga staff niya para sa muli nilang pagbubukas.

Ngunit gayun na lamang ang kanyang panghihinayang ng biglang bawiin ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Bang (@ryanbang)

Panoorin dito ang naging pahayag ni Vice Ganda:

Video audition ng ex ni Rabiya Matteo na si Neil Salvacion, may hugot tungkol sa naging relasyon nila ng beauty queen

Kristine Hermosa ipinagdiwang ang kanyang 38th birthday, nagbahagi ng kissing photo nila ng asawang si Oyo Boy Sotto