in

Vice Ganda nilinaw na wala umano siyang galit sa mga Kapamilya stars na lumipat ng network

Ipinaliwanag ni Vice Ganda na wala siyang galit sa mga artistang lumipat ng network.

Matatandaang naintriga si Vice recently nang maakusahang nagparinig siya kay Bea Alonzo dahil sa kanyang tweet.

Nakasaad sa nasabing tweet, “Ang kapal ng mukha ng mga taong nagsasabing nauubos na ang mga Kapamilya Artist. Kung dyan kayo Masaya, bahala kayo basta sinabi ko na dati pa, wala kayong future dyan sa Kabila. Charot!”

Nakunan ng screenshot ang nasabing tweet na diumano’y binura na ng TV host/comedian. Mabilis niyang pinabulaanan ang nasabing post at kinondena ang mga taong nagpakalat ng fake news.

Ayon kay Vice, masaya siya at ang kanyang co-hosts na nananatiling nakatindig ang Kapamilya network at maging ang kanilang programa sa kabila ng kawalan ng prangkisa.

Muli rin niyang nilinaw na wala siyang galit sa mga artistang nagdesisyong iwanan ang ABS-CBN at lumipat sa mga kalabang istasyon.

“Hindi kami galit sa mga lumilipat katulad ng pinapalabas n’yong tsimis sa social media. Hoy 2021 na, ang cheap-cheap ng trabaho n’yo. Cheap n’yo,” paglilinaw ni Vice Ganda last Saturday sa episode ng It’s Showtime.

Dagdag pa niya, “Mababa pa kayo sa… ha-ha-ha! Basahin niyo na lang tweet ko!”

Tinutukoy ni Vice dito ay ang tweet niya noong July 6 noong sinabi niyang mas mababa pa sa dumi ng tao ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media.

Bahagi ng kanyang tweet, “Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa TAE! Yan ang #FACT!”

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Vice: 

 

Piolo Pascual balik ASAP na nga ba? Nagpasalamat sa mga patuloy ang suporta sa ABS-CBN

Celebrity couple Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, umattend ng binyagan