in ,

Video ng isang amang nagtitiis na sibuyas lang ang ulam kumurot sa puso ng maraming netizens

Bumuhos ang luha ng isang anak ng makita niya ang pagtitiis ng kanyang ama para sa kanilang pamilya.

Tagos sa puso ng mga netizens ang kwento ng isang ama. Na tinitiis ang kalam ng sikmura masolo lang ng kaniyang mga anak ang kanilang ulam tuwing hapunan.

Ayon sa anak na si Aldi Relqno, sa tuwing sila ay kakain ng hapunan ay palaging hindi sumasabay ang kaniyang ama sa kanilang pagkain sa kadahilanang tapos na raw ito o ‘di kaya naman ay busog pa..

Madalas din umano ang pagbangon ng ama tuwing alas onse ng gabi ngunit ipinagsasawalang bahala lamang ito ni Aldi.

Subalit isang araw, napagdesisyunan ng binata na sundan ang kaniyang ama. Dito na niya napag-alaman na tinitiis ng kanilang padre de pamilya. Na hindi kumain tuwing hapunan nang sa gayon ay hindi na siya makihati sa kanilang hapunan.

Nag upload kasi ng video si Adi kung saan patago niyang kinuhaan ang kanyang ama. Sa nasabing post, makikita na nag uulam ng sibuyas at toyo ang kanyang ama.

“Tumulo luha ko nung Nakita ko sya na Kumakain na Ang ulam ay BAGOONG AT SIBUYAS kinuhanan ko ng video ng hindi nya alam,” saad ni Aldi.

Kasalukuyang naghihirap pinansyal ang pamilya ni Adi nang masagasaan daw ng truck ang kanyang tatay. Sa follow up post niya, mekaniko umano ang ama niya sa ibang bansa.

Sa kasamaang palad, nagtamo ng baling buto sa braso ang haligi ng kanilang tahanan at naging dahilan  na hindi ito makapag trabaho.

Maraming netizens naman ang naantig ang puso dahil sa post na ito.

Mariel Padilla nawindang! Aminadong hindi kaya pag wala ang mga kasambahay

Julia Barretto walang kaarte-arteng nagkamay sa mukbang vlog ng kaibigan nila ni Gerald Anderson