in

Videos at Photos ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson sa Pampanga usap-usapan ngayon sa social media

Viral ngayon sa social media ang panibagong video at litrato ng controversial couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Magmula ng isapubliko nina Geral at Julia ang kanilang relasyon ay talaga namang out and proud na ang dalawa.

Tila nabunutan na sila ng tinik sa kanilang dibdib at hindi na kailangan pang itago ang kanilang mga nararamdaman.

Libreng libre na kasi silang i-flex ang kanilang mga sweet moments in public.

Hindi tulad dati na kailangan pa nilang magtago at ilihim lamang ang kanilang kasiyahan.

Kamakailan nga lamang ay marami ang kinilig sa pagbisita ni Gerald kay Julia habang nasa lock in taping ang aktres sa Subic.

At kamakailan nga lamang ay muling nagpakilig ang dalawa dahil sa panibagong video at litrato nila.

May video na magkahawak pa ng kamay ang magkasintahan habang naglalakad.

Napag-alaman na kuha ito sa Pampanga kasama ang kanilang mga kaibigan.

Tila charity drive ang naganap dahil may kuha din na video na tila namimigay ng ayuda sina Julia at Gerald.

At mayroon ding video na naglalakad sila sa park kasama ang kanilang mga kaibigan.

May ilang litrato din na makikitang angkas ni Gerald si Julia sa motor at napaka sweet pa ng caption.

Trailer ng teleseryeng “Kahit Minsan Lang” ni Bea Alonzo na hindi natuloy, viral ngayon sa social media

Angel Locsin may nakakatuwang reaksyon sa new hairstyle ni Marian Rivera